Recently I was posting some short Filipino jokes in my facebook status. They're getting lots of Likes and comments, much more than my political and economic commentaries. Which means many of my friends appreciate me if I deliver more jokes than political commentaries? :-)
Here are the Pinoy jokes I blurted out in fb recently, with their funny additions:
1. Customer: Miss, may wi-fi ba kayo dito?
Jollibee/McDo cashier: Wala po Sir, meron lang kami mango fi and apple fi.
Sa Pan de Pidro, Pan de Manila, madaming tina-fi.
Sa Pizza Hut, madami sila pizza-fi.
Restaurant owner: Bakit mabilis maubos mga toothpicks natin?
Waiter: Ewan ko Sir. Kasi ako pag gumagamit ng toothpick, binabaliki ko rin dyan.
Customer: Bakit madali mabali toothpick nyo dito?
Waiter (asar): Ewan ko sir, sa dami ng gumamit ng toothpick na yan, kayo pa lang nakabali.
2. Q: Bakit may sabaw ang balut?
A: Ikaw nga ikulong sa shell ng matagal, saan ka ji-jingle?
(Pero jingle nga ba yon? Di kaya pawis na tagaktak dahil hindi naman air-con ang shell ng balut?)
3. Aanhin ang ganda, kung wala namang Papa
- Kung gusto mong maglandi, tiisin mo ang hapdi.
- Aanhin ang maganda, kung di naman malandi.
- Aanhin ang gwapo, kung mas malandi pa sayo.
- Ang lalaking mabilis maglakad, may hinahabol na gwapo.
- Aanhin pa ang damo, kung meron namang shabu.
- Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may stiff neck.
Or may utang na iniiwasan at ayaw bayaran.
4. Patient: Dok, bakit nang ma-opera mo ulo ko, hindi nakasara ulit?
Doctor: Mabuti yan, at least open-minded ka na ngayon.
Isang Pinoy na doctor nag-introduce ng isang "special device" pampalaki ng male sex organ, zero side effect. Ang tawag sa device na yon ay magnifiying glass.
Anak: Nay, tutoo ba yong kasabihang "first love never dies"?
Nanay: Aba oo. Tingnan mo yang tatay mo, hanggang ngayon buhay pa ang animal.
5. Here is the expected max temp today from PAGASA: Baguio 24 Celsius, Cebu 32 Celsius, Davao 31 Celsius, and in Marikina they sell shoes.
Q: Ano mangyayari pag nawalan tayo ng weather bureau?
A: Mawawalan tayo ng PAGASA.
Ang tawag sa maliit na meteor ay??? meteorite.
At ang tawag sa maliit na asteroid ay??? asterisk.
Ang tawag sa star sa hilaga ay... northern star.
Ang tawag sa star sa timog ay... southern star.
eh ano tawag sa star sa gitna nila?.... bitu-ween.
6. Tagalog ng: Deduct - ang pato
Defeat - ang paa (ng pato?)
Detail - ang buntot (ng pato?)
Predicate - pakawalan ang pusa
Dedicate - pinatay ang pusa.
Contemplate - not enough pinggan.
Punctuation - pera pang-enrol
Ice Buko - Is my hair ok?
Tenacious - sapatos pang tennis
Calculator - tawagan kita mamaya
Devastation - sakayan ng bus
Protestant - tindahan ng Prutas.
7. Ang tawag sa maliit na aso -- kapiraso.
Sa maliit na kambing -- kapiranggoat.
Sa maliit na pusa -- cat-titing.
Sa maliit na pato -- panduck.
May dyu-mingle na tao sa kabukiran, may 5 hayop nakakita sa kanya, tapos nag-ingay sila:
Kambing -- may umi-iheeeeee! Baka -- Oo ngaaaaa!
Aso -- Wow, wow, wow! Manok -- nakakataaaaa-kot!
Turkey -- Kelaki-lakiiiiii!!
Bakit palaging nakayuko at nahihiya ang:
biik -- kasi baboy ang nanay nya
sisiw -- kasi tatay nya walang itlog, nanay nya ang may itlog
batang kambing -- kasi nanay nya may balbas at bigote.
Biik: Nay, sino tatay namin?
Baboy inahin: Ewan ko anak, kasi nang ginawa ka namin, nakatalikod man ako.
No comments:
Post a Comment